Total lockdown ang ipatutupad ng San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan mula Agosto 10 hangang 18.
Ayon Kay Mayor Arthur Robles, lahat ng residente ng San Jose na nagtra trabaho sa NCR ay papayagan nilang makalabas subalit hindi na nila papayagang makauwi o makapasok ng San Jose hanggang sa matapos ang modified enhanced community quarantine (MECQ).
Sinabi ni Robles na batay sa pag aaral, ang mga asymtomatic na galing sa labas ng SAN JOSE ang nagpakalat ng coronavirus sa kanilang syudad.
Umaabot na sa 381 ang covid cases sa San Jose De Monte Bulacan at may 182 pang mino-monitor.