Ipinapaubaya na ng Malakanyang sa Kongreso kung kakatigan ang kagustuhan ng Commission on Elections na ipagpaliban muli ang Sangguniang Kabataan at Barangay Elections sa Oktubre.
Inihayag ito ng palasyo makaraang ihayag ni Comelec Chairman Andy Bautista na plano nilang ipagpaliban ang halalang pambarangay dahil posible umanong makaranas ng Election Fatigue ang mga botante.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na ang kongreso naman ang magpapasya sa naturang usapin.
Kung matatandaan, ipinagpaliban ang SK at Barangay Elections noong nakalipas na taon dahil sa mungkahi ng ilang grupo na buwagin na lamang ang SK dahil wala naman umanong nagagawa ang mga ito para sa komunidad.
By: Meann Tanbio