Kalaboso ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman na suma-sideline umano sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga matapos madakip ng mga awtoridad sa bayan ng San Pascual, Batangas.
Ayon kay Police Maj. John Eric Antonio, acting chief of police ng San Pascual police, nahuli sa buy-bust operation ang SK chair na si Lloyd Vincent Jumarang ng bayan ng Cuenca at ang kasama nitong si Marcelino Cabsag.
Nasabat mula kina Jumarang at Cabsag ang tinatayang nasa P20,000 na halaga ng hinihinalang shabu at isang motorsiklo.
Nakakulong na ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.