Patay matapos pagbabarilin ang pangulo ng Sangguniang Kabataan sa Lumban, Laguna.
Ayon sa mga otoridad, ang biktimang si Renzo Matienzo, 26-taong gulang ng Barangay Maytalang ay nasa kuwarto niyang nang pagbabarilin ng ilang beses ng suspek.
Kaagad namang tumakas ang suspek matapos mabaril at matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nasabing krimen para sa agarang pagdakip sa suspek.