Patay matapos magbigti ang isang Sangguniang Kabataan o SK treasurer sa kanilang bahay sa barangay Manangat, Caoayan, Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima na si Hannah Isabel Reotita, 22-anyos na natagpuan ng kaniyang kapatid na wala nang buhay sa loob ng kwarto nito.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagkaroon ng problema ang biktima sa kanyang trabaho na posibleng dahilan ng pagpapakamatay nito.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang kaso.—sa panulat ni Angelica Doctolero