Nilinaw ng Department of Health (DOH) na mananatili ang skeleton force ng mga ospital at iba pang health facilities sa darating na Pasko at Bagong Taon lalo na’t may banta pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hanggat maaari ay nais nilang bukas ang mga pagamutan at testing laboratories sa papalapit na year-end holiday.
Muling hinimok ni Duque ang publiko na hanggang maaari ay obserbahan ang minimum health standards at iba pang paalala sa pagdiriwang ng holiday ngayong panahon ng pandemya.
Sa nakalipas na mga linggo, nakita ni Duque ang patuloy na pagbaba ng trend ng coronavirus infections sa bansa na resulta aniya ng pinalakas na health systems capacity at pagsunod ng publiko sa health protocols.