Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa SLEX o South Luzon Expressway ngayong linggo lalo’t nagsimula nang bumalik sa Metro Manila ang ilan nating kababayan na nagbakasyon ngayong Semana Santa
Ayon sa pamunuan ng SLEX, inaasahang tataas ng labinlimang porsyento ang vehicle volume mula sa normal average na tatlumpung libong sasakyan, mula mamayang alas-Singko ng hapon hanggang alas-Sais ng gabi.
Dahil dito, nagbukas na ng counterflow lanes at ambulant tellers ang SLEX sa bahagi ng Ayala Toll Plaza.
Mahigpit ding tinututukan ng SLEX ang daloy ng trapiko sa Calamba at Sta. Rosa toll plaza.
By: Meann Tanbio