Muling nagsanib puwersa ang SM Supermalls at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa fire safety awareness campaign.
Sa pamamagitan ito ng Memorandum of Agreement na nilagdaan nina SM Supermalls President Steven Tan at Chief Supt. Jesus Fernandez, acting Deputy Chief for Administration ng BFP.
Tiniyak ni Tan sa BFP na SM ang numero unong supporter nito mula sa private sector dahil sa 82 SM Supermalls sa buong bansa at target pang makapagbukas ng tatlong mall kada taon.
Pinasalamatan din ni Tan ang lahat ng bumbero sa bansa sa kanilang dedikasyon para masagip ang buhay ng tao at maging ng mga ari arian.
Ipinagmamalaki aniya nila ang panibagong partnership ng SM Supermalls sa BFP sa gitna na rin nang patuloy na pagtutulungan upang tutukan ang disaster risk reduction tungo sa isang resilient philippines.
Ayon naman kay Chief Supt. Fernandez, malaking tulong ang suporta ng SM Supermalls para higit na mapaigting ang kampanya nila at mapaganda pa ang serbisyo sa publiko.
Tiwala si Chief Supt. Fernandez na patuloy nilang makakatuwang ang sm supermalls para maisulong ang fure safety and resilient communities sa buong bansa.
Ang public private partnership ng SM at BFP ay isinapormal nuong 2019 na nagresulta sa maraming programa na idinaos sa iba’t ibang SM Supermalls tulad ng tenant fire safety at fire brigade trainings.
Sa paggunita sa Fire Prevention Month nitong Marso binuksan ng sm ang sm seaside cebu para sa BFP fire olympics kasabay nang pagdaraos ng Nationwide Simultaneous Fire Drill sa lahat ng SM Supermalls.