Nagsanib-puwersa ang SM at DENR para ipagdiwang ang World Environment Day.
Binigyang diin ni DENR Secretary Maria Antonia Loyzaga ang kahalagahan nang pagkakaisa tungo sa sustainable future at matutukan ang mga initiatives upang mapangalagaan ang kapaligiran at natural resources ng bansa.
Ang SM Prime Holdings sa pangunguna ng sustainability champion nitong si Mr. Hans Sy ay matagal nang nagkakasa ng mga initiatives para matiyak na sustainable at environment friendly ang kumpanya.
Tiniyak naman ni SM Supermalls Senior Vice President for Operations Bien Mateo sa DENR ang patuloy na commitment ng SM family para palagiang isulong ang sustainability sa lahat ng galaw ng kumpanya para protektahan ang kapaligiran para sa kinabukasan ng mga Pilipino.
Tinukoy ni Mateo ang mga initiatives ng sm tulad ng energy conservation, solid waste reduction at water conservation.
Sa katunayan, ipinabatid ni Mateo na bilang kontribusyon sa energy efficiency ang SM ay gumagamit ng led lights sa lahat ng property nito at pinapanatili nito ang limampung porsyento ng supply ng kuryente mula sa renewable sources.
Bukod dito, 17 mall ng SM ang may solar power installations na nakapagbibigay ng mahigit 20 megawatts ng kuryente.
Sa nakalipas na 15 taon ay suportado ng SM ang Earth Hour at ang partisipasyon nito sa global lights switch off ay nagresulta sa natipid na enerhiya sa Co2 emission mula sa pag-charge ng mahigit 400,000 indibidwal.
Nakatulong din ang solid waste managment initiatives ng SM para maidiretso sa landfills ang mga basura sa pamamagitan ng trash to cash recycling market nito kung saan mahigit isang milyong recyclables ang nakokolekta kada taon, araw-araw na pagkolekta ng solid waste sa 14 na mall katuwang ang Friends of Hope, Electronic Waste Collection Boioths sa Cyberzone at designated mall areas at regular coastal and community clean-up drives.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Environment Month magkakasa ang SM ng coastal clean up activities sa June 8 kaugnay sa World Oceans Day sa pakikipag tulungan sa DENR, Local Government Units at mga paaralan at inaasahan ang pakikiisa ng 1, 500 volunteers sa buong bansa.
Kaugnay naman sa conservation ng water resources, inihayag ng SM ang pag-recycle ng tubig ng mga malls nito upang hindi na rin dumipende sa freshwater sources para sa non-potable use at sa katunayan ay nakapag-recycle na ang SM ng 3.58 million cubic meters ng tubig at ginagamit ito para sa kanilang daily operations tulad ng colling systems, toilet flushing, cleaning at grounds upkeep.
Nagkasa rin ang SM ng green designs sa mga gusali nito at ang water catchment basins nito na katumbas ng tatlo hanggang limang olympic size pools sa 23 malls ay nakatulong para hindi magbaha sa paligid nito.
Sa pagsusulong naman ng clean and sustainable transportation puspusan ang pagpo-promote ng SM sa isang bike frindly environment matapos ipagdiwan ang World Bike Day sa pamamagitan ng community bike ride na nilahukan ng halos dalawang libong cyclists sa SM by the Bay at piling SM malls, bike safety clinics for kids at isang buwang bike fair na nag a alok ng incentives at discounts sa mga bikers sa buong bansa.
Nanguna rin ang SM sa pagpapatupad ng in mall electric vehicle charging stations o 34 e-vehicle chargers sa 28 malls na pinakamalaking bilang sa anumang lokasyon.
Iginiit pa ni Mateo na buong taon ang partnership ng SM sa DENR at iba pang stakeholders sa pagsusulong ng environmental stewarship at disaster resilience sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon at liderato ni mr hans sy sa united nations international strategy for disaster reduction, arise at national resilience council.
Para sa dagdag na imporasyon hinggil sa sustainability program ng SM Prime Holdings bisitahin ang http://www.smprime.com/sustainability-overview at http://www.sminvestments.com/sustainability