Patuloy sa pagyabong ang online gaming industry sa bansa.
Kaya naman, ang SM Cyberzone na pinakamalaking chain ng IT retail stores sa buong bansa at nanguna sa community e-sports simula 2014 ay mahigpit na sumusuporta sa grassroots gaming community.
Ang SM Cyberzone ay nakapagtaguyod ng gaming programs na kinilala sa buong bansa mula 2016 hanggang 2019 at patuloy sa pagkakasa ng tournament activities katuwang ang global e-sports organizations.
Sa taong ito, muling bibigyan ng spotlight ng SM Cyberzone ang Filipino gaming industry sa pamamagitan ng Cyberzone game fest 2023 na isasagawa sa piling SM Malls sa buong bansa mula marso hanggang Mayo.
Ang SM Cyberzone ay nasa ika-walong taon na at tulad nang naging misyon nito sa mga nakalipas na taon ay magbibigay ng exciting e-sports tournaments at best gaming gear para sa lahat ng nangangailangan at gusto nito.
Tututukan sa 2023 game fest ng SM Cyberzone ang the gaming arena: Valorant community tournament, The Gamers Lounge and The Retro Zone, highlight sa local game developers at exciting deals and promos mula sa SM Supermalls.