Saksi ang lahat sa kapangyarihan nang pagbabahagi ng misyong makatulong lalo na sa mga estudyante nang makaranas ng pandemya at kinailangang mag online learning.
Kaya naman dahil sa paniniwala sa kapangyarihan ng edukasyon nagtulungan ang SM group at Mastercard nuong October 2021 para isulong ang SM store shop and share campaign kung saan katuwang din ang mga customer ay nakapagbigay ng e-tablets sa mahigit 1,000 SM Foundation scholars kabilang sina Monica Zapanta at Robin Raton.
Kailangan ni Monica, isang computer science student ng gamit para sa sabay na coding at pag-attend ng kanyang klase samantalang ang education students na si Robin ay kailangang makapag-install ng multiple video conferencing platforms at productivity software subalit hindi na kinakaya ng kanilang laptop ang pangangailangan nila.
Kaya naman, ayon kay Robin malaking tulong ang ibinigay na laptop ng SM store at Mastercard hindi lamang sa kanya kundi sa kanyang pamilya dahil ang naipon niyang pera ay idinagdag niya para sa pangangailangan ng kanyang pamilya tulad ng pagkain at araw araw na gastusin.
Sinabi ni Robin na malaking tulong ang bagong tablet dahil nakapag install siya ng mga kailangang applications kaya’t nakukumpleto na niya ang performance tasks tulad ng demonstration teaching at reporting.
Tulad ni robin, nawala na rin ang pangamba ni Monica dahil ang tablet na bigay ng SM Store at Mastercard ay naging susi para mag pursige pa siya sa pag-aaral lalo na’t nakabawas ito sa gastos niya gayundin sa stress lalo pat natatapos na niya sa tamang oras ang mga dapat niyang makumpleto.
Bukod sa academics, .ang tablet ay nagsilbi ring paraan para magkaruon ng balanced student life at helping hand ang SMFI scholars tulad nina Monica at Robin.
Ginagamit ni robin ang sketch pad applications ng tablet para makapag drawing at unwind at dahil mas marami na siyang in person classes, napapakinabangan na rin ng kanyang kapatid ang nasabing tablet para sa school research.
Samantala, ini-enjoy naman ni Monica ang lightweight feature ng tablet nya na bukod sa nakakapag-aral na siya nakakagawa pa siya ng ibang tasks o gawain at naipapahiram pa ang tablet sa kanyang pamangkin para maka save sa data allocation.
Sa pamamagitan ng social good collaboration, determinado ang SM Foundation na mapanatili at mapatatag pa ang partnership nito sa mga grupong may kaparehong adbokasya. Gamitin ang transformative power of education para tapusin ang problema ng kahirapan.