Kapit bisig ang SM Foundation Incorporated at UNIQLO Philippines para maibangon ang mga health center muling makapagbigay ng serbisyong medikal sa mga komunidad partikular sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Paeng.
Kabilang sa mga nabigyan ng bagong bihis ang canlalay barangay health station at Rosario Rural Health Unit-Annex na ika-192 at 193 SMFI Wellness Centers at ika-20th at 21st health facility na naisaayos sa pakikipagtulungan sa UNIQLO.
Kabilang sa ginawang upgrade ng SMFI ay pag-install ng malinaw na markers, kagamitang medikal tulad ng delivery bed, dressing carriage, vaccine refrigerator at mga gamit sa breastfeeding area gayundin ang paglalagay ng glass doors, treated windows laban sa mga anay, television sets, aparador para sa mga dokumento at gamot, lamesa at upuan at inverter air conditioning units at led lights.
Nagpasalamat si Dr. Noriel Emelo ng Rosario Health Unit-Annex sa SM Foundation Incorporated at UNIQLO Philippines sa pagpapagawa ng mga pasilidad at paglalagay ng mga bagong gamit para mga pasyente.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Dr. Mirabelle Benjamin, City Health Officer ng Binan, Laguna sa SMFI at UNIQLO dahil tulong upang matiyak ang pangmatagalang kakayahan ng kanilang health center na mahalaga at maaasahan lalo na kung may bagyo o sakuna.
Una nang nagbigay ang SMFI at UNIQLO ng Emergency Gokit+ sa 43 flood prone areas na naapektuhan ng bagyong Paeng sa Zamboanga del Sur, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Pampanga, Bulacan, Isabela at Cagayan para mapalakas ang kakayahang makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan gayundin ang ilang partner communities at mahigit 2,000 ang tumanggap din ng dinner set ang 400 pamilyang naapektuhan ng bagyong Paeng.