Muling nagsanib puwersa ang SM Foundation Incorporated (SMFI) at Uniqlo at parent company nitong Fast Retailing Company Limited para magdala ng social good at mga kapaki-pakinabang na bagay sa iba’t-ibang komunidad sa Bicol region.
Hindi na nagdalawang isip ang SMFI at Uniqlo para na isulong ang pag upgrade o pagsasa-ayos ng community health centers sa Bicol na prone o madalas apektado ng bagyo dahilan nang hindi maiiwasang danyos at sira lalo na sa mga health centers na sadyang hindi na ligtas para gamitin ng publiko.
Kabilang sa magkatuwang na isinailalim sa rehabilitasyon ng SMFI at Uniqclo ang Angas Barangay Health Center sa Basud, Camarines Norte, Cararayan Barangay Health Center sa Naga City at San Isidro Barangay Health Center sa Baao, kapwa sa Camarines Sur.
Tiniyak ng SMFI at Uniqlo hindi lamang ang pagpapaganda ng kalidad ng mga pasilidad sa pisikal na anyo nito kundi magkaruon din ito ng mga kinakailangang basic medical equipment, mga gamit at mga appliance.
Bukod dito, opisyal ding inilunsad ng SMFI at Uniqlo ang pagsasama ng emergency go kit plus sa mga naturang health centers bilang paghahanda na rin sa anumang kalamidad at emergency situations.
Binigyang-diin ni SMFI Executive Director for Medical Programs Connie Angeles na napakahalaga ng papel ng health facilities para makaagapay sa mga kalamidad dahil sa pagtulong nilang gumamot ng mga sugatan at maging ang pagtugon sa outbreak ng mga sakit.
Sinabi pa ni Angeles na sa pamamagitan nang pagtutulungan ng SMFI at Uniqlo ay mababawasan ang exposure ng mga nasabing komunidad sa mga hindi magagandang sitwasyon dulot ng mga kalamidad dahil sa mga matatag na medical infrastructures na kumpleto sa mga basic equipment.
Kabilang sa mga isinagawang improvement sa mga tinukoy na health centers ang patients’ waiting lounge, reception area, consultation room, pre natal and treatment room, meeting room with pantry, mobile play cabinet para sa mga bata, under 5 clinic, breastfeeding room at medicine storage cabinets.
Nasa mahigit 170 health and wellness centers na ang nai-upgrade ng SMFI sa pamamagitan ng health and medical programs nito at tinatayang nasa isa punto dalawang milyong pasyente na ang nakinabang sa mga medical missions nito.