Halos 400 SM Scholars ang lumahok sa General Assembly 2024 na inorganisa ng SM Foundation incorporated sa ilalim ng SM College Scholarship nito.
Ang nasabing event ay pinangunahan nina SM Retail Vice Chairman Harley Sy, Ms. Debbie Sy at mga opisyal ng SM Foundation Incorporated.
Ang mga SM Scholars ay sumalang sa iba’t ibang aktibidad para makilala ang isat isa at ma experience ang belongingness ng isang pamilya.
Nagsilbing inspirasyon sa sm scholars ang kuwento ng mga alumni na sina Robbie Marcelino at Dayanara sy na kapwa bahagi na rin ngayon ng SM Group of Companies.
Pinakamalaking inspirasyon ay nagmula kay Mr Harley Sy na masayang maka face to face ang SM Scholars kasabay ang pagbabahagi ng mga aniya’y core values sa pamamagitan ng SM.
Kabilang dyan ang pagkakaruon ng positive mind set, strategic planning for success, simplify life amidst complexity, champion honesty, embrace vision and mentorship at master problem solving.
Ang SM scholarship program ng SM foundation ay nagsimula nuong 1993 at sa ngayon ay nakapagpatapos na ng mahigit 4000 scholar graduates.
Nakasalig ang scholarship program sa ikinasang commitment ni SM group founder Henry Sy, Sr. o mas kilala bilang si Tatang.
Kasabay nito, ipinabatid ng SM Foundation ang pagbubukas ng panibagong pinto para sa mga nais maging sm scholar sa pamamagitan ng itinakdang application period mula February 1 hanggang March 31.