Isang kasamahan naman sa simbahan ang nagbalita kay Joshua Torrefiel hinggil sa oportunidad na ibinigay ng SM Foundation Incorporated para makapag-aral ng libre sa kolehiyo.
Kaya naman ayon kay Torrefiel, Hindi na siya nagsayang ng oras at panahon para mag-apply bilang SM scholar at nagpapasalamat siyang napili siyang isa sa mga bagong binigyan ng pagkakataong maabot ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng edukasyon.
Sinabi sa DWIZ ni Torrefiel na natutuwa ang buong pamilya nya dahil wala nang iintindihing tuition fee ang kanyang magulang para makapag-aral siya sa kolehiyo kung saan napili niya ang kursong BS Accountancy sa University of Cebu.
Pinayuhan ni Torrefiel ang mga kapwa kabataan na gawin ang lahat para makuha ang ibinibigay na opportunity sa kanila para makapag aral tulad nang ginagawa ng SM Foundation.