Walang humpay ang pagtulong ng SM Foundation Incorporated (SMFI) sa mga Pilipinong lubos na nangangailangan sa bansa.
Kabilang sa programa ng SM Foundation ang pagtulong sa mga komunidad sa larangan ng edukasyon, kalusugan, tirahan, pagtugon tuwing may sakuna, pagsasanay ng magsasaka, programa sa kapaligiran at pangangalaga sa mga taong may espesyal na pangangailangan.
Sa panayam ng DWIZ, inilatag ni Carmen Linda Atayde, Executive Director for Education ng SMFI ang kahalagahan ng edukasyon na pinagtutuunan nila ng pansin noon pang 1983.
Samantala, nakapanayam din ng DWIZ ang ilan sa mahihirap ngunit deserving na mga mag-aaral na mapalad na nakakuha ng scholarship.
Kabilang dito sina Harvey Japinan; Heart Cabrera; Aliyah Red Cadiz; Arthur Soqueña at Edsel Matildo.
Ayon kay Matildo na nasa Netherlands na ngayon matapos makapagtapos ng pag-aaral sa tulong ng SM Foundation, malaki ang pasasalamat niya sa buong grupo dahil sa pagtulong nito sa kaniya habang hirap pa noon sa buhay.
Kaya payo ni matildo sa mga kabataan na magpatuloy lang para sa pangarap.
Para sa mga gustong mag-apply sa college scholarship program ng SM Foundation, magbubukas ang aplikasyon sa February 1, 2023 at magtatagal hanggang March 3, 2023.
Bumisita lamang sa website ng SM Foundation para sa ibang detalye at mga qualifications.