Nagtayo ng rainwater harvesting system sa Barangay Irawan Birthing Facility sa Puerto Princesa City sa Palawan ang SM group sa pamamagitan ng SM Foudnation bilang pagsuporta sa SM green movement.
Layon ng nasabing hakbangin na mapalakas ang misyon ng SM group na protektahan ang kapaligiran at tiyakin ang kalusugan at wellness ng future generations.
Para maisulong ang water conservation at pangangasiwa sa pasilidad, ang nasabing sistema ay nangongolekta ng tubig ulan mula sa mga bubong at gutter na ipapasa sa vinyl-coated mesh filters para masiguro ang kalidad ng tubig.
Sa 800-liter storage capacity ang na-harvest na tubig ay magagamit sa non potable needs ng pasilidad tulad nang pagdidilig ng halaman, pagllinis at pagpa-flush ng toilet.
Hindi rin gumagamit ng kuryente at mayruong labeled faucets para sa recycled water use ang rainwater harvesting facility.
Sinabi ng midwife na si Narcisa Jagmis na malaking tulong sa Barangay Irawan Birthing Facility ang nasabing rainwater harvesting facility para hindi sila mawalan ng tubig at hindi na rin umasa sa water supply systems ng lungsod.
Madali nila aniyang ma-access ang tubig ulan para gamiting pang linis dahil konektado ito sa mga gripo samantalang ang tubig mula sa main line ay maitatabi nila para sa kanilang sterile operations.