Ang Mall of Asia Arena (MOA) ay nagsisilbing saksi sa pagdiriwang ng mga achievement at pagkilala sa world class Filipino talent.
Ito ay mula sa naging vision ni SM Founder Henry Sy, Sr. Matapos ang pagbubukas ng SM MOA nuong 2012.
Ang MOA na may 64,000 plus square meters at five story landmark ay maituturing na multi-purpose venue na maaaring makapag-accommodate ng seating capacity na nasa 15,000 o 20,000 sa full house capacity.
Sa nakalipas na 11 taon, pinatunayan ng Eye Conic Venue ang commitment nito na magkaruon ng game changing experience at kakaibang quality of entertainment.
Ang sm moa arena ay nagsilbing home o tahanan ng maraming firts maging basketball, volleyball, mixed martial arts at maging ng e-sports.
Bahagi ng basketball highlights ng SM MOA Arena ang pre-season ng National Basketball Association Global games sa pagitan ng Houston Rockets at Indian Pacers gayundin ang meet and greet ng NBA legends na sina Lebron James, Steph Curry at Dennis Rodman.
Hindi rin magpapahuli ang SM MOA Arena bilang venue ng malalaking performances tulad ng solo anniversary concert ni regine Velasquez-Alcasid, Sarah Geronimo, Arnel Pineda at Lea Salonga.
Kung may local, mayruon ding foreign entertainers na nakaranas mag perform sa sm moa arena tulad ni Lady Gaga sa kanyang Born This Way Ball Tour nuong 2012 gayundin sina bruno Mars, Taylor Swift, Madonna, Sam Smith at Harry Styles.
Nasaksihan din sa SM MOA Arena ang performance ng Korean k-pop music tulad ng legendary acts ng BTS, Blackpink, Twice, EXO, 2ne1 at Strtay Kids.
Wala namang dapat alalahanin sa parking sa SM MOA Arena dahil may reserba ito ng 2,000 slots at extra 1,400 slots sa Mall of Asia Arena Annex (MAAX) at sa mga gusali ng National University bukod pa sa valet parking services.
Mas mabilis ding maikot ang SM Moa Arena dahil sa mga kakaibang pasilidad nito tulad ng 11 elevators, 28 escalators at designated lanes para sa mga indibidwal at persons with disabilities.
Higit sa lahat, walang dapat ipag-alala sa inyong kaligtasan kapag nasa teritoryo ng SM MOA Arena dahil kumpleto ito sa fire and safety requirements at mayruong professional grade, high resolution closed circut television cameras para sa dagdag na seguridad.
Para naman sa mga gusto ng extra touch of luxury, may alok na exclusive VIP packages sa SM MOA Arena tulad ng premium seating, access sa exclusive lounges, personalized services at iba pang luxurious amenities.
Bilang pagtalima sa international standards makikita rin sa SM MOA Arena ang isang mess hall para sa technical team ng isang event, exclusive room para sa press conferences at maging special private meet and greet area.
Ang 41 corporate suites ay itinuturing na pioneering concept hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Southeast Asia dahil bawat isang suite ay mayruong top of the line amenities tulad ng private lounge area, mini bar, restroom, large scale TV monitors, butler service at isang personal gallery na mayruong cinema style seats.
Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ang SM MOA Arena ang pinakamalaking national COVID-19 swab testing area katuwang ang Red Cross Philippines at taong 2021 para magtuluy-tuloy ang negosyo at mapalago ang turismo, inilunsad ang #arenasafe na nakabatay sa local at international venue protocols para sa safe, memorable at pleasurable experiences sa mga nakakasang shows dito.
At ang latest, inaasahang dadagsain ng volleyball fans ang SM MOA Arena, kung saan gaganapin ang 2023 men’s pool of the Volleyball Nations League mula July 4 hanggang 9.
Masisilayan naman ng basketball lovers sa SM MOA Arena ang pagdaraos ng FIBA o Federacion Internationale de Basketball, Basketball World Cup 2023 preliminaries at finals games mula August 25 hanggang September 10.
Dahil mabilis lamang ang araw, hindi na natin mamamalayan ang pagsapit ng christmas holidays kaya naman kasado na sa SM MOA Arena ang Disney on Ice bilang selebrasyon na rin ng 100 years ng disney at antabayanan ang anunsyo ng mga shows at ticket prices mula December 2023 hanggang January 2024.
Sadyang napakaraming memories na ang naibigay ng SM MOA Arena sa 11 taong operasyon nito subalit hindi ito titigil sa paghahatid ng ika nga’y excellent customer convenience sa mga sasaksi sa mga magagandang shows at local at international events.
Maaaring I-check ang iba pang exciting feels ng SM Mall of Asia arena sa pamamagitan ng www.mallofasia-arena.com o i follow ang @smmoaarena sa social media.
Samantala, bumili ng tickets online sa pamamagitan ng www.smtickets.com o saan mang authorized SM tickets outlets sa buong bansa.