Kakaibang Christmas season ang ipaparanas ng SM Mall of Asia sa pamamagitan ng anito’y “A Very Merry MOA Christmas Celebration”.
Sa taong ito, ibabalik ng SM Mall of Asia ang MOA Night of Lights ka-partner ang From Family to Yours Holiday campaign ng Disney Philippines gayundin ang Hyundai Moto Philippines.
Ang tinaguriang larger than life installations ay tiyak na maghahatid ng magical experience sa paglalatag ng MOA ng Disney themed audio visual holiday drive thru experience na mayruong mahigit two million holiday lights at disney inspired tunes.
Ang MOA Night of Lights ay tiyak na magdadala ng saya at liwanag sa mga bisita habang nasa loob sila ng kani-kanilang mga sasakyan dahil sa kumpletong magical bright lights, colorful installations at Holiday music.
Ang SM Mall of Asia concert grounds ay gagawing Happiest Place in the Philippines mula December 1, 2022 hanggang January 8, 2023 kung saan mula ala-5:30 ng hapon ay ma-e-explore ng customers ang pitong magical zones na magdadala ng saya sa lahat ng kids at kids at heart habang nagbibiyahe sa pamamagitan ng magical night of lights.
Pagpasok pa lamang ay bubungad na sa customers ang maliwanag na tunnel na puno ng ribbon at ang all time favorite nating si Mickey Mouse na pinalibutan ng magagandang bulkalak at iba’t ibang ilaw, susunod namang eksena ang kakaibang nostalgic ride kung saan iwe-welcome tayo ng Disney princesses na sina Aurora, Cinderella, Belle, Rapunzel, Mulan, Pocahontas at Ariel sa isang hall of fame zone na punung-puno ng bedazzled stars at malalaking Christmas balls.
Sa pagpasok naman sa Gingerbread Candyland Tunnel, babatiin ang mga batang customers at kids at heart ng Very Merry MOA Gingerbread Christmas treats tulad nina Mickey Mouse, Minnie Mouse, Donald Duck at Daisy Duck.
Dadalhin naman ng Madrigal family ang customers sa magical place ng Casita sa pamamagitan ng Encanto Forest ng Disney kung saan napapalibutan ng magaganda at makukulay na ilaw at matatangkad na tower.
Masisilayan naman sa Toy story at cars ang Pixar characters sa pagpasok mo sa Pixar zone! at namnamin si Woody, Buzz Lightyear, Rex, Slinky, Jessie habang nasa Andy’s room, sina Mr. Potato head at little green aliens ang babati sa kaliwang bahagi ng zone samantalang pangungunahan ni Lightning Mcqueen ang stars ng cars sa kanang bahagi habang nakaparada sa harap ng kilalang casa della tires ng Luigi.
Hindi pahuhuli ang Frozen themed tunnel kung saan naruruon sina Elsa, Anna at Olaf na pinapalibutan ng winter elements tulad ng snowflakes, steep mountains at snow mounds kaya’t tiyak na mararamdaman ang simoy sa Arendelle.
Magtatapos ang MOA Night of Lights sa isang malaking season’s greetings tunnel na pinalilibutan ng ating paboritong Disney characters.
At para ma-experience ang lahat ng ito, kailangan lamang ng 1,500 pesos na halaga ng anumang purchase mula sa mga establishment sa MOA, SM by the bay, S Maison, MOA Square o IKEA at 500 pesos na halaga ng purchase ng Disney merchandise mula sa SM Store, Toy Kingdom, SM Hypermarket, Watsons, Uniqlo, Mini So, Pandora, H&M, Havaianas, Crocs o Nike MOA o S Maison branch mula November 26, 2022 hanggang January 8, 2023.
Maaaring ipakita ang resibo sa MOA night of lights registration booths para sa gustong date at oras sa level 1 ng south main mall malapit sa Aeropostale at Panda express, level 2 ng South main mall malapit sa Zara, level 2 sa MOA square malapit sa SM store, level 1 malapit sa S Maison concierge at MOA concert grounds – bay shore avenue.
Bukas ang MOA night of lights sa mga kotse, bike, motorsiklo at MOA tram at sa taong ito, special hyundai vehicles na pupuwedeng i-try ng lahat ng customers at ang online registration ay makikita sa official facebook, twitter at instagram account ng Sm Mall of Asia.
Maaari ring bisitahin ng customers ang disney pop up para sa souvenirs at Hyundai showroom para sa huling yugto ng experience upang makita ang pinakahuling car models.