Nagsanib-puwersa ang SM Mall of Asia at National Museum of the Philippines para ikasa ang isang Augmented Reality (AR) Exhibit ng mga kilalang Filipino artworks.
Ang tinaguriang Art in MOA kung saan idi-display sa MOA Complex ang magagandang Pinoy artworks ay kauna-unahang partnership ng SM Moa at National Museum of the Philippines para maibahagi sa mallgoers ang kakaibang experience.
Kasunod na rin ito nang nilagdaang Memorandum of Agreement (MA) sa National Museum of the Philippines kung saan kinatawan nina Director General Jeremy Barns at Deputy Director General for Museums Jorell Legaspi ang National Museum at sina Senior Assistant Vice President of Mall Operations Perkin So at Assistant Vice President for Marketing Krisel Raymundo-Ramilo mula naman sa kampo ng SM.
Ayon kay Deputy Director Legaspi, umaasa silang makakatuwang pa nila ang SM sa marami pang proyekto para maibigay sa mga Pilipino ang enjoyment, entertainment at access sa maipagmamalaking koleksyon ng artworks at iba pang cultural assets.
Binigyang-diin naman ni So na natutuwa ang SM sa pakikipag-partner sa National Museum of the Philippines at excited silang maging venue nang pagpapalago ng buhay ng kanilang customers sa pamamagitan nang pagpaparanas sa mga ito ng aniya’y creations by the masters at tuluyang maipagmalaki ang kahalagahan at kagandahan ng Philippine art.
Makikita sa naturang exhibit na tatakbo mula june hanggang august ang pop up installation sa level 2 ng main mall gayundin ang QR codes na inilagay sa paligid ng MOA Complex na pinangalanang MOA, MOA Square at S Maison.
Sa pamamagitan nang pag-scan sa QR codes maaari nang makita ng mallgoers ang isang artwork mula sa nakalatag na koleksyong inihanda ng Fine Arts Division ng National Museum of the Philippines.
Sa pamamagitan ng digitalization ..naipapaabot ng proyektong ito sa mas malawak na audience ang filipino masterpieces sa kabila ng limitasyon ng Philippine Artistic Institutions para maipa-experience ang mga ito sa mga Pilipino.
Dahil sa pinalakas na accessibility, misyon ng SM Mall of Asia na mas ma-appreciate ng publiko ang mayaman at magandang kasaysayan ng Pinoy artworks at magigiting na Pinoy artists at mahimok ang mga ito na bisitahin ang National Museum para ma experience ang buong koleksyon.
Ang pagsasalya ng obra ng mga Pinoy artists tulad ng Felix Resurreccion Hidalgo, Juan Luna, Fernando Amorsolo, Ang Kiukok at Guillermo Tolentino sa pamamagitgan ng “Art in MOA” ay maituturing na one of a kind initiative para palakasin ang koneksyon ng mga Pilipino at kanilang kultura.
Kaya naman dahil sa mga natatanging materpieces na kaagad masisilayan sa mobile device nagkakaisa ang SM Mall of Asia at National Museum of the Philippines sa pagpo-promote ng Filipino art at art appreciation para sa lahat.