Nagpadala ang pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng notice of violation sa SM Mall of Asia at sa central business district nito dahil sa pagtatapon nito ng maruming tubig sa Manila Bay.
Ayon sa tagapagsalita ng DENR na si Undersecretary Benny Antiporda, kailangang magpaliwanag ng pamunuan ng naturang shopping mall hinggil sa paglabag.
Kasunod nito, ani Antiporda, sasailalim ito sa technical conference at oras na mabigo ang pamunuan ng SM na madepensahan ito, ay maaaring pa silang ma-isyuhan ng cease and desist order at maipasara ang naturang mall at ang central business district nito.
Samantala, giit ni Antiporda, ipinag-utos mismo ni DENR Secretary Roy Cimatu ang pag-iisyu ng notice of violation sa naturang mall dahil sa ginagawang paglabag nito.