Bilang lungsod na kilala sa diversity at creativity, napatunayan ng Baguio City ang galing nito sa pagpapakita ng mayaman at aktibong yaman ng Cordillera region at mga tao nito.
Ang SM City Baguio, bilang mahigpit na sumusuporta sa commitment ng lungsod para sa preservation ng art and culture ay nakipag-partner sa Baguio museum para i-preserve at i-promote ang malawak na kultura ng lungsod sa pamamagtitan ng teknolohiya.
Sa pamamagitan ng 500,000 pesos o kalahating milyong pisong donasyon ng SM, sasailalim ang mga tauhan ng Baguio museum at youth volunteers sa audio visual training para i-digitize at i-preserve ang art collections, cultural artifacts at data ng Baguio museum.
Sinabi ni Stella De Guia, Executive Director ng Baguio museum na mayaman ang Baguio museum sa kasaysayan, kultura, art at traditions ng cordillera region at mga mamamayan nito at malaking bagay para ma-sustain ang museum sa paggamit ng teknolohiya at iba pang hakbangin para ma-preserve ang tinaguriang koleksyon ng community treasure.
Ang turn-over ceremony para sa proyekto ay nagsilbing pagtitipon ng mga sumusuporta sa cultural preservation ng Baguio, mga miyembro ng Baguio museum board of trustees, Department of Tourism-Cordillera Administrative Region Office at maging ang mga miyembro ng academic institutions tulad ng university of Baguio at Baguio City National High School.
Binigyang-diin ni SM supermalls president Steven Tan na tiwala silang mape-preserve ang Filipino heritage sa pamamagitan ng digitization program kung saan ang mga susunod na henerasyon ay mabibigyan ng oportunidad na kilalanin at ipagdiwang ang makulay na kasaysayan ng kultura ng mountain province.
At tiwala sila sa magandang partneship para sa sustainable development ng Baguio City lalo pa’t mahigpit na kinikilala ng SM supermalls ang heritage, preservation at culture sa lahat ng pagkakataon.
Para sa SM, ang pagsuporta sa preservation ng art and culture ay mahalaga para pagtagpuan ang mga kuwento ng nakalipas at kinabukasan ng Baguio City sa pamamagitan ng platform para sa mga artist sa lahat ng henerasyon.
Sa ngayon, patuloy ang SM City Baguio sa pagsusulong ng mga aktibidad tungol sa cultural preservation sa pamamagitan ng paglalaan ng espasyo para ipagdiwang ang cordilleran art and heritage at ibukas ito sa malawak na audience.