Nakipagsanib-puwersa ang SM Prime Holdings Incorporated sa Society for the Conservation of Philippine Wetlands, Incorporated (SCPW) at United Architects of the Philippines Student Auxiliary (UAPSA) sa idinaos na fourth SCPW Wetland Center Design Symposium sa Mall of Asia Complex bilang pagdiriwang sa International Day for Biological Diversity 2023.
Umikot sa temang “Build Back Biodiversity: Wetland Centers and Nature-based Architecture” ikinasa sa naturang hybrid symposium ang mga presentations na nakatuon sa pagpapalakas ng kaalaman at awareness hinggil sa wetland conservation at innovative design approaches.
Ang nasabing symposium ay binuksan ni SCPW President Architect Celestino Ulep, na nagbahagi ng kanyang tiwala sa collaboration at pagyakap sa nature based architecture para sa isang wetlands at biodiversified future.
Ilan pang expert ang naging bahagi ng nasabing event na kinabibilangan nina chris Rostron, Global Manager ng Wetland Link International at Alex Hughes ng Wildfowl&Wetlands Trust sa London, United Kingdom na kapwa binigyang-diin ang mahalagang papel ng wetland certers bilang tool para sa Communication, Capacity Building, Education, Participation and Awareness (CEPA) sa wetland conservation efforts.
Samantala, ipinakilala rin ni Architect Ulep sa symposium participants ang konsepto ng nature based architecture, kung saan naka-focus ang kahalagahan nang pagprioritize sa sustainability at harmony sa mga disenyo sa pamamagitan ng pagbuo ng mga istruktura na mapag-iisa sa natural environment.
Natoka naman kay Architect Aaron Lecciones, SCPW Special Projects Officer ang isang visual presentation sa naging karanasan sa Las Pinas-Paranaque Wetland Park (LPPWP) design team, kung saan tinutukan niya ang mga hamon at tagumpay nang pagdedisenyo ng isang wetland park na nagsisilbing inspirasyon sa aspiring designers at architects.
Dumating din ang event partners na sina Ms. Rida Reyes-Castillo, SM Prime AVP at Head ng Marketing, PR and Communications, Dr. Alvin Diesmos ng ASEAN Centre for Biodiversity, Mr. Laudemir Salac ng DENR-Region 3 at Architect Gleo Raymundo ng UAPSA.
Binigyang-diin ni SM Prime AVP Castillo na malaking karangalan para sa SM na makipag-partner sa SCPW at UAPSA para maisakatuparan ang layuning protektahan ang ecosystems partikular ang wetlands sa pamamagitan nang paghimok sa mga kabataan na makiisa at sumuporta sa socio civic at economic issues sa kanilang mga komunidad at sama-samang humanap ng solusyon para sa isang sustainable future.
Muling binigyang-diin ni SM Prime AVP Castillo na ang environmental protection at nature conservation ay pangunahing bahagi ng sustainability campaign ng SM Prime at naniniwala aniya sila sa kapangyarihan nang paglalabas ng devotion ng younger generation para sa pagkakaruon ng sustainable future.
Ang SCPW Wetland Center Design Symposium ay tinapos sa pamamagitan ng isang kumprehensibong pagtalakay sa mga panuntunan ng design competition kasunod ang isang open forum at pagpapalitan ng mga idea ng mga participants.
Ang naturang symposium ay pagsisimula rin ng 4th SCPW Wetland Center Design competition na magsisilbing platform ng talented students mula sa field ng construction and design para maipakita nila ang kanilang skills at ingenuity kasabay ang paghimok sa mga ito na tugunan ang environmental challnges sa pamamagitan ng sustainable solutions.