Nakipagsanib-puwersa ang SM Prime Holdings Incorporated sa University of the Philippines-Los Baños para palakasin pa ang kampanya sa sustainable development.
Sa pamamagitan ng scholarship grant, misyon ng SM Prime na pumili ng mga estudyanteng nais magkaroon ng degree sa Bachelor of Science in human ecology at Bachelor of Science in Forestry – mga kursong nakatutok sa sustainability.
Ang nasabing scholarship ay ipagkakaloob sa mga estudyante mula sa mga mahihirap na pamilya sa Pasay City para na rin mapasakamay ang magandang oportunidad sa trabaho at makatulong na maibsan ang kahirapan at hindi pagkakapantay pantay na pawang pangunahing hadlang sa sustainable development.
Natutuwa si UPLB chancellor Dr. Jose Camacho, Jr. sa partnership nila ng SM Prime Holdings Incorporated na patunay ng kahalagahan ng edukasyon lalo na ang sustainability related fields of studies sa social at economic mobility.
Binigyang-diin ni Dr. Camacho na sa pamamagitan ng pag-i-invest sa edukasyon partikular sa mga kursong Environmental Science, Renewable Energy at Sustainable Agriculture ay naihahanda ang mas marami pang estudyante bilang future researchers at innovators na susi sa paglutas sa environmental at social problems.
Itinuturing namang malaking patunay nang iisang commitment ang nasabing partnership ng SM Prime at UPLB para maisulong pa ang sustainability at bumuo ng magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
Sinabi ni Castillo na bahagi na ng sustainability pillars ng SM Prime ang pagpapaunlad ng partner communities nito at pag-i-invest sa paglago ng mga tao sa gitna na rin ng business strategies at operations nito.
Kaya naman, tiniyak ni Castillo na hindi bibitiw ang SM Prime sa commitment nitong gumawa ng mga programang magbibigay ng access sa quality education para sa lahat at makagawa ng proactive human resources na siyang magbabalanse sa economic, social at environmental aspects tungo sa inaasam na sustainable development.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa UPLB OSG sa +63 49 536 3209 o mag-e-mail sa osg.uplb@up.edu.ph.