Kinilala ng tatlong international award giving bodies ang SM Prime Holdings Incorporated na isa sa nangungunang integrated property developers sa Southeast Asia.
Sa kanilang report para sa 2021 annual integrated report na tinaguriang “Together, we rise” ipinagmalaki ng sm prime ang pagkilala ng international award giving bodies para sa excellance sa transparent environmental, social and governance.
Patuloy na isinusulong ng SM Prime ang transparency at accountability sa pamamagitan nang pagpapabatid sa investors at stakeholders ang esg peformance at impacts nito, decision making processes at competitive positioning value sa sektor.
Nagpasalamat naman si SM Prime President Jeffrey Lim sa mga nasabing pagkilala na patunay ng kanilang commitment na makapagbigay ng transparent report hinggil sa kanilang mga mission bilang pagpapahalaga na rin sa kanilang stakeholders sa gitna nang paninindigang mapaganda pa ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino.
Sa idinaos na summit ng international recognitions napasakamay ng SM Prime ang Stevie awards na pinakamalaki at pinaka prestigious award sa business world bilang akilala sa business innovation ng SM Prime sa buong Asia Pacific region.
Kabilang sa mga nakuhang award ng SM Prime ang Bronze Steive winner sa 2023 Asia Pacific Stevie Awards program at Silver Stevie winner sa 2022 international business awards.
Samantala, nakuha rin ng Sm Prime ang silver rank sa Asia Sustainability Reporting Rating 2022 (ASRRAT), isang sustainability report ranking ng National Center for Sustainability Reporting na nakabase sa GRI standards compaliance, GHG disclosures transparency at alignment at support ng UN SDG’S.
Ang mga pagkilalang ito ay pagpapatunay ng aktibong papel ng SM Prime Holdings Incorporated sa pagsusulong ng sustainability sa pamamagitan ng operasyon nito sa gitna na rin nang patuloy na pagsisilbing catalyst para sa paglago ng ekonomiya, pagkakaruon ng innovative at sustainable lifetsyle cities para sa tuluyang pagpapaganda ng kalidad ng buhay ng milyun milyong Pilipino.