Nakiisa si SM Prime Holdings Officer Hans Sy sa pagkakapit-bisig ng publiko at pribadong sektor sa pagkakasa ng mga polisiya tungo sa Climate at Disaster Resilience at Sustainable Development sa pagbubukas ng 2022 Department of Environment and Natural Resources (DENR) Multi Stakeholder Forum.
Binigyang-diin ni Sy, Chairman ng Executive Board ng SM Prime Holdings na ang vision niya para sa environmentally resilient Philippines ay isang clean, green at disaster resilient country.
Priority aniya sa mahalagang usaping ito ang lahat ng sektor na magkaisa, magpalitan ng mga impormasyon at magtulungan para sa survival ng mundo at maging ng ating mga sarili.
Ipinaabot din ni sy sa kanyang talumpati na ang pagkakaruon ng solid tripartite system na binubuo ng gobyerno, private sector at academe ay krusyal o pinakamalagang punto sa environmental resilience research at innovations, policy, education, budget at maging sa tax.
Tiniyak ni Sy na hindi nag-iisa o mag-isa ang gobyerno sa pagtataguyod sa bansa dahil handa ang pribadong sektor na tumulong at makipag-partner sa pamahalaan para makapagbigay ng aniya’y whole of society approach tungo sa inclusive, prosperous at sustainable Philippines.
Para sa mga negosyo, tinukoy ni Sy ang kahalagahan ng internal strategic planning para masiguro ang mga sapat na resources para mga susunod na henerasyon kasabay ang paghimok sa gobyerno at mga kasamahan sa pribadong sektor na maging handa sa mga kalamidad na dumadalas na lalo na sa mga panahong ito kayat dapat mai prioritize at magkaruon ng resilience sa Good Urban Planning, Infrastructure Development at Internal Processes.