Tiniyak ng SM Prime Holdings Incorporated (SM Prime), isa sa mga nangungunang integrated property developers sa Southeast Asia ang commitment nito para maabot ang net zero greenhouse gas emission sa taong 2040.
Patuloy na nakikipag tulungan ang SM Prime sa mga partner nito para higit pang maisulong ang climate resilient future at malabanan ang mga epekto ng climate change at batid ng SM Prime sa oportunidad na dapat na matutukan nito kaya naman nangunguna sa sustainability agenda ng SM Prime ang climate action at transition sa net zero business.
Ayon kay SM Prime President Jeffrey Lim, nakikipagtulungan sila sa Worldwide Fund Philippines (WWW) para maisakatuparan nila ang kanilang commitment at targets at maihanay ito sa global commitment na mapasakamay ang net zero sa 2050.
Determinado aniya ang SM Prime na ma achieve ang net zero emissions o ang pagkakataong ma balanse ang generated greenhouse gas emissions sa emissions reduction activities ng SM Prime matapos nilang maikasa ang near and long term science based targes para sa 2030 at 2035 na bini-verify ng WWW Philippines kay’t sadyang committed silang ma achieve ang net zero sa taong 2040.
Mahigpit na tinututukan ng SM Prime ang transition sa isang low carbon economy kaya naman mayruong mahalagang papel ang climate health, resilient design at disaster risk reduction sa construction at design activities nito sa mga nakalipas na dekada.
Bilang tugon sa climate change, kabilang sa puspusang ginagawa ng SM Prime ang pagpapalawak sa renewable energy portfolio nito, pag-optimize o pagpapalakas ng energy efficiency at conservation at protection sa natural carbon sinks bukod pa sa ipinatutupad na ng SM Prime na large scale energy at water conservation program na nakikita na rin ng mga positibong resulta.
Napasakamay ng SM Prime ang 2022 commitment nito sa paghahanap ng renewable energy ng halos 50% ng konsumo nito sa kuryente at ito ang nagpalakas sa commitment ng SM Prime sa programa ng Department of Energy na pagsusulong ng renewable energy supply component ng Pilipinas sa 35% na taong 2030.
Patuloy ang suporta ng sm prime sa transition sa renewable energy sa pamamagitan ng direct sourcing gayundin sa pag-iinvest sa iba’t ibang uri ng manufactured, intellectual at social capital bilang paghahanda sa carbon neutral future.
Nananatili ang commitment ng SM Prime sa papel nito bilang catalyst para sa paglago ng ekonomiya at pagkakasa ng innovative and sustainable lifestyle cities dahilan para mapaganda at maayos ang kalidad ng buhay ng milyun-milyong katao.