Taos pusong nagpapasalamat ang ilang SM Scholar Graduates sa SM Foundation Inc. sa pagsuporta nito sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Sa panayan ng DWIZ, sinabi ni Ms. Clowie Diane Castillo, Magna Cum Laude sa kursong BS Accountancy sa Cavite State University na hindi niya inakala na isa siya sa mga magiging maswerteng scholar ng SM.
Kaugnay nito ay ikinuwento niya ang kaniyang karanasan at sakripisyo sa pag-aaral.
Sa academic part po talaga , dumating pa ang pandemic, nagkaroon ng parang breakdowns, nagdoubt sa sarili ganoon syempre pero kailangan magtapos,kahit na gaano pa kahirap ang pinagdadaanan natin, sa family, sa academics, ganoon po. So ayun po nagpursige lang talaga na makapagtapos, para maging proud po sa akin ang family ko, maiahon ko po sila sa hirap ganon po”. sabi ni Clowie
Sinabi naman ni Ms. Leryelle Adiao, Cum Laude sa kursong BS Computer Science sa Asia Pacific College na dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa kaniyang magulang ay sinubukan niyang mag-apply sa SM Scholarship Program.
As a student po, iyong number 1 po kasi na problem is financial sobrang laking ginawa din po iyong dulot ng SM foundation sa akin,and then iyong dagdag pa po dito sa pandemic is iyong stress nga po na dulot ng pandemics, kasi gaya po noong nagpandemic, iyong batch po naming iyong parang puro mjajor subjects iyong tinbatake naming during pandemic,kaya ayun po medyo nagkasabay sabay po ang problems, sa financials, pagsubmit ng projects at deadlines at iyong emotional at m,ental na dulot nga po ng pandemic”. sabi ni Leryelle
Ang tinig nina SMFI Scholars Ms. Clowie Diane Castillo at Ms. Leryelle Adiao, sa panayam ng DWIZ