Kakaibang pet enthusiasts at furry companions bonding ang idinaos bilang bahagi ng SM Super Pets Club Caravan sa SM City Taytay nitong nakalipas na August 12.
Kabilang sa mga activities ang doggie boot camp, super pets parade, unforgettable meet and greet at mahahalagang payo mula sa BDO insurance.
Ang doggie boot camp ang siyang simula ng nasabing event kung saan nagbigay ng valuable tips at information ang speaker kaugnay sa proper grooming at tiyaking maayos ang over all well being ng mga alagang hayop, kung saan tinutukan ang responsible furbaby care.
Nagsilbi namang highlight ng event ang super pets parade kung saan suot ang creative costumes ay rumampa ang furbabies kasama ang super pets club mascots na labis na ikinatuwa ng mall govers ng SM City Taytay.
Sa unforgettable meet and greet activity naman nangyari ang personal encounter ng pet lovers kina kuya show and gonta na sa pamamagitan nang pagyakap, pakikipag-picture at pakikipag-usap ipinakita ang kanilang warm presence bilang bahagi ng SM Super Pets Club Caravan.
Isang BDO Insurance talk din ang naging bahagi ng nasabing caravan kung saan natutunan ng fur parents ang pagse-secure sa kinabukasan ng kanilang furbabies na dapat ding kunan ng insurance na siyang dapat maging priority sa well being ng kanilang furry companions.
Dahil sa mga inilatag na aktibidad, ipinagmalaki ng SM na matagumpay na naabot ng SM Super Pets Club Caravan ang misyon nitong makagawa ng ika nga’y harmonious space para sa mga pets at pet enthusiasts habang pinaiigting ang awareness hinggil sa responsible pet ownership at pagkakaruon ng makabuluhang pakikipag ugnayan sa komunidad.