Mahigit 20,000 aplikante ang sumugod sa SM Supermalls para makakuha ng trabaho.
Ang idinaos na SM Supermalls job fair katuwang ang Department of Labor and Employment, Public Employment Service Office at Local Government Units ay nakakuha ng mahigit 1,000 kumpanya na nag-alok ng trabaho sa halos 22,000 aplikante.
Ang job fairs sa SM Supermalls ay bilang suporta sa gobyerno na makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino para mabawasan ang bilang ng jobless Pinoys.
Nagsimula sa SM City Tanza nitong June 9 ang SM job fairs, June 11 sa SM City Rosales at June 12 sa SM Southmall, SM Megamall, SM City North Edsa, SM City Grand Central, SM City Marikina, SM City Novaliches, SM City Fairview, SM City Sta. Mesa, SM City Taytay, SM City Masinag, SM City San Mateo, SM City Urdaneta, Central, SM City Lucena, SM City Naga, SM City Santa Rosa, SM City Molino, SM City Baguio, SM Center Dagupan, SM City Tuguegarao, SM City Cauayan, SM City Bataan, SM City, Telabastagan, SM City Tarlac, SM City Olongapo Central, SM City Sorsogon, and SM City, Legazpi, SM City Bacolod, SM Seaside City Cebu, SM City Iloilo, SM Cagayan De Oro Downtown, Premier, SM City Davao, SM City General Santos at SM City Butuan.
Samantala, idinaos naman ang job fairs sa SM City Daet at SM City Calamba nitong nakalipas na June 16 at June 20 naman sa SM Center Muntinlupa.
Ipinabatid ni SM Supermalls Senior Vice President for Operations Bien Mateo na mas marami pang trabaho ang alok sa job fair sa SM City Baliwag ngayong araw na ito at bukas, June 30 sa SM Mall of Asia.
Binigyang-diin ni Mateo na tuluy tuloy ang partnership ng SM sa dole sa nakalipas na 16 na taon na para makatulong sa mga fresh graduates at mga indibidwal na makahanap ng trabaho.
Para sa dagdag pang impormasyon at update paki-check sa www.smsueprmalls.com o I-follow ang @smsupermalls sa social media.