Nakipag sanib puwersa ang supermoms club ng SM supermalls sa connected women sa ginanap na mega meet nitong December 1 sa mega a, event center ng SM Megamall.
Sa idinaos na mega meet up ay nagsama sama ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang larangan na nagsusulong ng iisang adbokasiya ng teknolohiya para sa mga kababaihan kung saan naging lugar na rin ito nang pagtatayo ng komunidad kung saan magsisilbing inspirasyon ang mga kapwa kababaihan at supermoms!
Nagsimula nuong 2018 , Ang supermoms club ng SM supermalls ay itinuturing na pinakamalaking mommy community sa Facebook at nagsisilbi ring digital haven para sa mga ina kung saan susuportahan nila ang isa’t isa habang tinatahak ang landas ng pagiging isang ilaw ng tahanan.
Sa misyong patuloy na maitaguyod ang suporta sa mga nanay, nakipag partner ang supermoms club sa connected women na isang samahan ng tech powered women sa buong mundo para sa mega meet up kung saan ipinagdiwang ang una sa marami pang supermoms club meet ups na itinakda na sa susunod na taon.
Kabilang sa naganap sa nasabing mega meet up ang pagbibigay ng opinyon ng mga kababaihan sa work from home opportunities para sa mompreneurs, freelancers at remote workers gayundin ang pagkakataong makabuo ng network sa mga kapwa nila kababaihan mula sa mga komunidad.
Ibinahagi naman ni gina katigbak, assistant vice president, leasing strategy and operations ng sm supermalls ang aniya’y maraming oportunidad na alok ng sm start up para sa mga women entrepreneurs habang itinayo naman sa event center ang isang bazaar kung saan tampok ang mga negosyo ng mga kababaihan.
Samantala, Nagbigay ng tips kung paano maging matagumpay na womenpreneur ang creative director at founder ng sunnies face na si martine ho at hindi naman paghuli ang content creator, singer at voice talent na si princess velasco sa pagpapaalala sa supermons kaugnay sa maayos na pangangasiwa ng kanilang oras para na rin sa kanilang pamilya, careers at pansarili.
Isang fireside chat ang pinangunahan ni gina romero, connected women founder para maibahagi ang inspiring stories nang pagkakaruon ng home business sa gitna ng pandemya samantalang nagbigay din ng oras ang mga womenpreneurs na sina camille santos ng camsbucha, sandra lim ng sandy street bakery at steph lagasca ng connect women sa pagse share ng kanilang experiences bilang entrepreneurs at freelancers sa digital economy.
Bukod sa masayang kuwentuhan, nabigyan din ng special prizes ang supermoms na umabot sa P 50,000 na SM Gift Certificates.
Para sa mga nais pang sumali at ma update sa supermoms events, I-click lamang ang www.Facebook.Com/groups/smsupermomsclub gayundin ang www.Smsupermalls.Com at I follow ang @smsupermalls sa social media.
Icon for this message’s header
Supermoms club | facebook
, “