Inorganisa ng ilang Small-Scale Miner ang kanilang mga sarili upang bumuo ng grupong hihingi ng pagkilala at suporta mula sa gobyerno.
Ayon sa bagong tatag na National Coalition for Small-Scale Mining, layon ng kanilang grupo na maiparating sa gobyerno ang mga hinaing ng mga maliliit na minero.
Sinabi ni National Coalition for Small-Scale Mining President Bert Buniales, mithiin nila na ituring na lehitimong bahagi ng ekonomiya ang sektor ng artisanal small-scale mining.
Nakasaad, aniya, sa batas ang probisyon ng “minahang bayan” sa ilalim ng Section 2 ng Local Government Code of the Philippines.
Ngunit matagal nang napabayaan ang nasabing sektor at itinuturing na iligal gayung may Tatlong Daan at Limampung Libong tao ito at nagbibigay-benepisyo sa halos Dalawang Milyong katao.
By: Avee Devierte