Mas pinaigting ngayon ng DENR-Mines and Geosciences Bureau ang ipinatutupad nilang regulasyon sa mga small-scale na minahan, lalo na sa pagtatabi ng mga residual stockpiles o mga labing nakukuha mula sa operasyon.
Bahagi umano ito sa hakbangin ng ahensya na mapalawak pa ang pagsusulong ng responsableng pagmimina sa bansa.
Sinabi ni MGB Director Atty. Wilfredo Moncano, nais nilang mapabilis pa ang environmental restoration bago at pagkatapos ng mga mining operations sa mga minahang bayan, na isang kooperatibo ng mga maliliit na minero sa isang lugar at inorganisa ng pamahalaan.
Ayon kay Moncano, dapat lamang na naaayon sa Environment Management Plan (EMP) ang pagtatabi sa mga residual stockpiles upang maging malinaw ang mga layunin at plano ng mga nasabing minahan upang mapangalagaan ang kalikasan at mga komunidad.
Umaasa ang opisyal na magbibigay daan upang maging ligal ang mga iligal na pagmimina ng mga maliliit na minero