Aprubado na ng European Commission ang isang bakuna sa bulutong upang gamitin laban sa monkeypox virus matapos ideklara ng World Health Organization ang monkeypox bilang global health emergency.
Ayon sa Danish drugmaker na Bavarian Nordic, nasa 1.5 milyong doses ng Imvanex ang isu-supply nila sa mga European Union member states.
Ang Imvanex ay naaprubahan sa EU mula noong 2013 kontra bulutong at itinuturing na potensyal na bakuna para sa monkeypox dahil sa pagkakatulad nito sa smallpox virus.
Noong Sabado, idineklara ng WHO na ang pagkalat ng monkeypox bilang isang global health emergency, ang pinakamataas na alarma na maaari nitong ipataw.