Inilunsad ng Vatican City ang isang smart device na nagsisilbing gabay sa pagdadasal ng rosaryo.
Ito ay ang “click to pray e rosary” na pinangunahan ng Pope’s Worldwide Network.
Ang click to play e rosary ay mayroong 10 beads na nakaayos na parang rosaryo at isang krus na nagsisilbing storage ng mga datos.
Pwede itong gawing bracelet na na-activate kapag nagsasagawa ng sign of the cross.
Konektado ito sa isang app sa cellphone kung saan makikita ang mga gabay sa pagro-rosaryo.
Layon ng proyekto na maglunsad ng malawakang pagdarasal para sa kapayapaan sa buong mundo.