Mamamahagi ng Fiber-powered Wi-Fi connection ang Smart sa mga bagong talagang treatment facilities sa bansa sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito’y ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Anila, magbibigay ng internet connection ang Smart sa Rizal Memorial Sports Complex, PICC, World Trade Center, De La Salle Greenhills at Mandaluyong Campus na pawang itinalagang treatment facilities ng bansa.
Magugunitang iniutos ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa DPWH na gawing quarantine facilities ang mga nabanggit na lugar para maibsan ang dagsa ng pasyenteng may COVID-19 sa ilang ospital.
Samantala, ayon sa pamunuan ng Smart, patuloy ang kanilang pakikipag-tulungan sa pamahalaan kontra COVID-19.