Inulan ng mga reklamo sa social media ang telecommunications company na Smart-PLDT.
Sa kanilang posts sa Facebook, inireklamo ng mga subscriber ang anila’y palpak na serbisyo ng kumpanya tulad ng mabagal na internet, madalas na pagkawala ng signal o connection, madayang promo at hindi maaasahang customer service.
Malaking porsyento rin ng mga nag reklamo sa social media laban sa mabagal na internet ng Smart-PLDT ay nagsabing nakakaapekto ito sa online class ng kani-kanilang mga kaanak gayundin ang sitwasyon ng mga naka work from home partikular ang mga madalas sumalang sa online meetings.
Nagbanta ang maraming netizens na lilipat na sila ng network dahil pikang-pika na sila sa palpak na serbisyo ng Smart-PLDT. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)