Inulan ng rekalmo mula sa mga netizens ang telecommunications company SMART-PLDT dahil sa malawakang fiber outage.
Nagalit kasi ang mga netizens dahil hindi umano nag-abiso ang naturang kumpaniya kung saan, apektado ang ilang lugar sa Luzon kabilang na ang Aurora, Batangas City, Calamba, Laguna, Taytay, Rizal maging ang mga lungsod ng Metro Manila.
Apektado din ang ilang lugar sa visayas kabilang na ang Northern Samar, Talisay City, Cebu; Iloilo City at Cebu City maging ang bahagi din ng mindanao kabilang na ang Basilan at Davao City.
Ayon sa ilang mga customer, apektado ang kanilang mga trabaho lalo na ang mga estudyanteng nag-o-online class.
Sa ngayon humingi na ng paumanhin ang SMART-PLDT kaugnay sa kanilang late advisory habang umaasa naman ang mga netizens na agad na maibabalik ang kanilang internet sa kabila ng fiber outage.—sa panulat ni Angelica Doctolero