Binigyan ng 15 araw ang SMARTMATIC -TIM para magsumite ng kanilang kontra-salaysay sa inihaing reklamo ng kampo ni Senador Bongbong Marcos hinggil sa paggalaw sa sistema ng Transparency Server noong halalan.
Sa isinagawang pagdinig sa COMELEC Law Department, sinabi ng mga abogado ng SMARTMATIC at ni COMELEC IT officer Rouie Penalba na hindi pa nila natatanggap ang kopya ng reklamo.
Dahil dito, itinakda ang preliminary investigation sa Hunyo 30.
Matatandaang ipinaliwanag ng SMARTMATIC na cosmetic change lamang ang kanilang ginawa nang palitan nila ng letrang ñ ang question mark na nasa pangalan ng mga kandidato noong gabi ng Mayo 9, bagay na kinuwestyon ni Marcos makaraang biglang umangat ang noo’y katunggali na si Vice President elect Lebi Robredo.
By: Meann Tanbio