Tuluyan nang diniskwalipika ng Commission on Elections ang Smartmatic Incorporated sa procurement ng mga bagong makina sa 2025 midterm elections.
Sa resolusyon ng COMELEC en Banc, ipinaliwanag ng poll body na may kinalaman ito sa kinakaharap na kaso ni dating Comelec Chairman Andres Bautista sa Estados Unidos hinggil sa pinaniniwalaang panunuhol sa Smartmatic.
Ayon sa poll body, public knowledge ang nasabing isyu at maaari itong maging sanhi upang mawalan ng tiwala ang publiko sa proseso ng halalan.
Sa separate opinion naman ni COMELEC Commissioner Aimee Ferolino, iginiit nito na dapat nabigyan muna ng pagkakataon ang Smartmatic na sagutin ang isyu. - sa panulat ni Charles Laureta mula sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)