Kinumpirma ng smartmatic incorporated, ang service provider para sa 2022 automated elections na may “data leak” na nangyari sa system nito.
Ayon kay Commission on Elections chairperson saidamen pangarungan, binigyang-diin ng smartmatic na walang kinalaman sa darating na halalan ang “data leak” at ito anila ay tungkol sa kanilang organisasyon at mga aktibidad.
Ipinaalam din ng Smartmatic sa ahensya na nagpataw ito ng disciplinary action laban sa empleyadong sangkot umano sa insidente.
Samantala, tiniyak din ng smartmatic sa comelec na ang seguridad ng mga balota at mga naka-configure na sd card ay hindi nakompromiso ng internal data leak. - sa panulat ni Airiam Sancho