Naranasan mo na bang magbitbit ng iyong smartphone, ngunit wala kang mapaglagyan kapag kailangan mo muna itong ilapag?
Mayroong solusyon ang Motorola diyan sa pamamagitan ng kanilang bendable phone.
Ang bendable phone ay isang concept design mula sa Motorola kung saan matutupi na ang smartphone mo, maaari mo pa itong isuot na parang bracelet.
Kung pamilyar ka sa existing foldable phones, mapapansin mo ang central hinge nito, o ‘yung kumokonekta sa dalawang panels ng phone. Wala ito sa bendable phone ng Motorola.
Bukod pa rito, imbes na isang buong battery, gumagamit ang bendable phone ng ilang maliliit na batteries. Dahil sa mga ito, posibleng tiklupin sa anumang hugis o anggulo at gamitin katulad ng smartwatch ang bendable phone.
Upang mas tumibay naman ang kapit ng smartphone, kailangan mong magsuot ng isang metal watch band. Agad itong didikit sa bendable phone dahil mayroong magnets ang likod nito.
Dagdag pa rito, automatic itong magge-generate ng wallpaper na base sa iyong suot, para mag-match ang bendable phone sa style ng iyong OOTD!
Dahil concept phone pa lang ito, hindi pa tiyak kung ilalabas ang bendable phone para sa publiko o hindi.
Pero kung may pagkakataon, susubukan mo bang gumamit ng bendable phone?