Wala pang gaanong epekto sa biyahe ng eroplano at kalusugan ang smaze o pinaghalong smoke at haze mula sa Indonesia bagamat nakaabot na ito sa mga lalawigan ng Albay at Catanduanes.
Sinabi ng PAGASA Legaspi na hindi pa makapal ang light to clear haze na naranasan sa lungsod nitong mga nakalipas na araw.
Maging sa Buenavista, Bato doppler radar station, hindi na gaanong makita ang ilang bahagi ng Pacific Ocean dahil sa smaze.
Samantala, napilitan naman ang airport officials sa Catanduanes na limitahan ang pagla-landing ng mga eroplano sa eastern end ng runway dahil sa mahinang visibility nitong mga nakalipas na linggo.
By Judith Larino