Lumusot sa butas ng karayom ang San Miguel Beermen para maipanalo ang kanilang laban sa NLEX Road Warriors sa score na 131-127 sa PBA Commissioner’s Cup.
Umabot sa 3 overtime ang laro bago nasungkit ng Beermen ang kanilang ika-6 na panalo, dahilan para umangat ang kanilang standings sa 2nd place katabla ang Alaska Aces.
Humakot ng 58 points, 13 rebounds, 7 assists, 5 steals at 2 blocks si Tyler Wilkerson habang nag-ambag naman si Alex Cabagnot ng 20 points para sa SMB.
Samantala, nasayang naman ang naitalang 69 points at 19 rebounds ni NLEX import Al Thorton.
Ang buzzer beater 3-pointer ni Thorton ang naging susi kaya umabot sa overtime ang laro na maagang dinomina ng Beermen.
By Mark Makalalad
Photo: PBA Media Bureau