Napasakamay na ng San Miguel Corporation (SMC) ang 50 taong prangkisa para sa bagong international airport na itatayo sa Bulakan, Bulacan.
Ayon sa website ng Kamara ang House Bill 7507 ay nai-transmit na sa Malakanyang noong November 18 at inaksyunan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong December 20.
Hindi malinaw kung pinirmahan itong batas subalit lumalabas sa house website na nag-lapse na ito bilang batas na nangangahulugang hindi kinontra ng Malakaniyang kaya naging batas nang hindi na kailangang pirmahan ng Pangulong Duterte.
Sa Kamara 218 ang bumoto sa pagbibigay ng prangkisa sa San Miguel Aerocity para sa gagawin nitong international airport sa Bulacan, anim ang kumontra at dalawa ang nag-abstain.
Ang prangkisa ng SMC ay nasa ilalim ng Republic Act 11506 para sa 50 taon kasama na ang 10 taon para gawin ang plano, disenyo at pagpapatayo ng mismong airport.