Pumanaw na sa edad ng 85 ang kilalang tycoon at tinagurian ring kingmaker na si Eduardo “Danding” Cojuangco.
Nagsilbi itong Chairman at CEO ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking conglomerate sa bansa.
Si Cojuangco rin ang lider ng partido pulitikal na National People’s Coalition.
Tumakbo sya sa presidential elections noong 1992 subalit natalo ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Pinsang buo si Cojuangco ni dating Pangulong Corazon Aquino.