Humingi na rin ng paumanhin ang San Miguel Corporation sa abalang idinulot nang pagpalya ng fiber optic cable kanilang ng radio frequency identification (RFID) system.
Inaalam na ng I.T teams ng San Miguel kung paano nasira ang fiber optic network.
Batay sa pagsusuri ng SMC, mayroong indikasyon na isang “major vehicular accident” ang naging dahilan nang pagkasira ng kable.
Tiniyak naman ng SMC sa mga motorista na hindi na mauulit ang insidente at asahang aayusin at pagbubutihin ang kanilang serbisyo.
Mahigit walumpu’t apat na libong motorista ang naapektuhan nang pumalya ang RFID system sa ilang bahagi ng South Luzon Expressway, maging sa NAIA expressway, Skyway at Star tollways, kahapon.
Dahil dito, bumigat ang daloy ng trapiko sa mga nasabing expressway simula umaga hanggang alas dos ng hapon.