“It’s a demotion”
Ito ang pabirong sagot ni San Miguel Corp President Ramon Ang sa alok umano sa kaniya na tumayong standard bearer ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa darating na 2022 elections.
Inamin ni Senate Pres. Vicente Sotto III na maging siya ay isa sa mga humihikayat kay Ang noon pang nakaraang taon na tumakbo bilang susunod na Presidente ng bansa.
Ngunit ayon kay Sotto, kitang-kita niya na walang interest si Ang sa kanilang alok at sa tingin niya ay pinal na at sarado na ang usapan hinggil dito.
Samantala, habang isinasapinal ang line up ng NPC para sa 2022 national elections, kinumpirma ni Sotto na siya at si Sen. Panfilo Lacson ay itinuturo ring tandem sa darating na halalan ngunit hindi pa aniya sila nakukumbinsi.