Ibinahagi ng mga partner ng SM Foundation Incorporated ang kanilang mga karanasan sa ilalim ng School Building Program.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Maria Teresa Caringal, principal ng Lemery Pilot School sa Batangas, nagbigay ng apat na silid-aralan ang sm foundation na kung saan kumpleto ang mga ito sa gamit at pasilidad.
“Hindi lang po basta silid-aralan katulad po ng sinabi ni ma’am juris. Fully equiped po talaga siya, kumpleto po siya. May electric fans, chairs, at tables po ng ating mga teachers. So, kitang kita po ang sigla at tuwa ng mga mag-aaral. “
Sinabi naman ni susan reyes, guidance counsel ng nabanggit na paaralan na napakalaking tulong ang donasyon na silid-paaralan ng smfi at bentilasyon para sa mga estudyante.
Dahil dito, nakitaan nila ang mga estudyante ng interes sa pag-aaral.
“Unang una po sa lahat, ang sm building po hindi lang siya sm building, isa po siyang classhome para po sa mga estudyante. Parang nasa bahay lang din sila even ansa school sila nandun po yung comfort para sa aming mga estudyante. At napansin ko po na alam na alam naman po natin at kilala po natin ang mga batangueño kung gaano kababait.” - sa panunulat ni Jenn Patrolla