Layunin ng Kabalikat sa Kabuhayan on Sustainable Agriculture program na mai-angat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni SM Foundation Incorporated, Outreach Program Assistant Vice President Ms. Cristie Angeles na gumawa sila ng programa para umpisahan ang tinatawag na “field school” noong 2007.
Noong 2007 kasi wala pang field school masyado, ‘yung bang literal na under the mango tree. Kasi kailangan po namin silang tulungan i-angat ‘yung technology by introducing the high-value crops. Kasi ‘yung mga panahon na ‘yon nag-uumpisa nang lumiit ang mga lupa ng mga lehitimong magsasaka. Kasi ho diba, nahahati na nang nahahati ang mga lupain nila dahil ‘yung minana nilang lupa noon, mana-mana na po, paliit na nang paliit. So, to help also, tinignan po namin na ‘yung programang ito kung papaano pa siya mas every year mas mai-innovate para mas makapag-produce ng mas maraming gulay, mas kumita ang mga farmer sa mas kokonting halaga. Technology transfer po.
Sinabi naman ni SMFI Outreach Program Project Supervisor Ms. Shiem Bahoy na nakikipag-ugnayan sila sa kanilang partner agency para sa pagpili ng mga magiging karapat-dapat na benepisyaryo.
We really coordinate with our partners. Nagkakaroon tayo ng meetings with our partner agencies and kami naman po sa SM foundation, we really talk with our partners para makuha natin ‘yung mga tamang farmer na makakapag-join po sa atin. And sinisigurado po natin na lahat ng goals na dapat ma-achieve natin for our program is makuha natin, like si SM Foundation nakikipag-meeting with the partners like DSWD, DTI, TESDA, DA.
Ang magkasunod na pahayag nina SM Foundation Incorporated, Outreach program Assistant Vice President Ms. Cristie Angeles at project supervisor Ms. Shiem Bahoy, sa panayam ng DWIZ